Kalalakihan, may pinakamaraming kaso ng fireworks-related injuries sa Bicol region

Inihayag ng Department of Health (DOH) Bicol na kalalakihan ang may pinakamaraming kaso ng fireworks-related injuries na naitala sa buong rehiyon  noong nakaraang taon.

Ayon kay Sam Banico, senior health program officer ng nasabing ahensya, noong nakaraang taon, labingtatlo sa labing-apat na mga pasyente ay mga lalaki.

Read More:  Two passengers intercepted in Iloilo over suspected marijuana

Aniya, ganito rin ang sa taong 2020 kung saan kalalakihan din ang may pinakamaraming mga naitalang kaso.

Sinabi ni Banico, patuloy pa rin ang kanilang kampanya sa publiko na huwag nang gumamit ng mga paputok sa darating na kapaskuhan at bagong taon bagkus ay gumamit na lamang ng mga alternatibong paingay nang maiwasan ang gayong mga insidente.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Dagdag pa niya, kahit pa ang mga paputok na ito ay may pahintulot na ibenta o bilhin sa mga merkado, paalala nilang huwag nang gumamit at bumili.