NAGA CITY- Maagang nagpalabas ng mga schedule ang mga parokya na sakop ng Archdiocese ng Caceres sa Camarines Sur para sa Simbang Gabi o ang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas bago ang araw ng Kapaskuhan.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Caceres Commission on Communication head Fr. Louie Occiano, sinabing handang-handa na ang simbahang katolika para sa inaasahang dagsa ng mga dadalo simula mamayang gabi Dec. 15.
Maluwag na maluwag na kasi aniya ang mga protocols, boluntaryo na rin ang pagsuot ng facemask.
Karamihan sa mga simbahan ay nagdagdag ng schedule ng misa para sa Simbang Gabi at Misa de Aguinaldo. May mga simbahang mag schedule na alas-7 ng gabi ang oras ng simula, karamihan naman kapag madaling araw ay alas-4. Marami aniyang schedule upang mahati ang bilang mg mga nagsisimba para hindi magsiksikan sa loob ng simbahan.
Kasama rin sa rason ang maiwasan ang mga sa labas na tumatambay at nagpapasaway sa rasong wala nang espasyo sa loob.
Sinabi pa ni Occiano na ipapasudon pa rin ang basic health protocols, tulad ng pag sanitize. Hinihikayat pa rin ang publiko na mag facemask kahit na boluntaryo na ito. Sa ngayon bawal pa rin ang pahalik sa mga imahe.