Argentina abanse na sa FIFA World Cup finals matapos durugin ang Croatia, 3-0

Buhay pa rin ang pangarap ni Argentinian football star Leonil Messi na masungkit ang mailap na FIFA World Cup championship.

Ito ay matapos na talunin ng Argentina ang koponan ng Croatia sa semi-finals ng torneyo na nagtapos sa 3-0.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Mababatid na ito na ang ika-limang FIFA World Cup appearances ni Messi na unang sumabak noong 2006 sa edad na 18-anyos.

Noong 2014 nakatuntong din sa finals ang Argentina subalit tinalo sila ng Germany matapos ang goal ni Mario Gotze sa extra time ng laban.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Samantala magsasagupa naman ang kauna-unahang Arab country sa semis ng World Cup na Morocco laban sa football powerhouse na France para sa finals ticket.