Solar powered water supply system level 2, tinurn-over na sa BRHMC; ground breaking ceremony ng 10-storey outpatient department, specialty centers at medical arts building, isinagawa

Itinurn-over na ng Ako Bicol Party List ang isang solar powered water supply system level 2 sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) kahapon.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Cong. Zaldy Co ng party list kasama sina Albay 2nd District Cong. Joey Sarte Salceda, Gov. Edcel Grex Lagman, BRHMC Medical Center Chief Dr. Eric Raymond Raborar, ARD Ferchito Avelino ng DOH Bicol, PCol. Fernando Cunanan, Jr., at RD Gil Eduarte ng DPWH at D.E. Warren Azotea ng 2nd District ng kaparehong tanggapan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ayon kay Dr. Raborar, malaking tulong ang libreng tubig sa ospital na kung saan maaari na itong gamitin bilang inumin ng mga pasyente at maging mga empleyado ng nasabing ospital ay maaaring makinabang sa nasabing proyekto.

Samantala, isinagawa rin kahapon ang groundbrreaking ceremony ng 10-storey outpatient department, specialty centers, and medical arts building sa nasabing lugar.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ayon kay Cong. Zaldy Co, chairman house committee on appropriations, mapalad ang rehiyon dahil nabigyan ng malaking pondo ang nasabing ospital na umaabot sa PHP1B.

Dahil dito, hindi na kailangan pang magtungo sa Metro Manila ang mga pasyente upang magpagamot.

Ang proyekto ay ipapatupad hindi lamang sa Luzon, kundi maging sa Visayas at Mindanao.