DepEd: Magsagawa ng mandatory unannounced earthquake at fire drills sa mga paaralan

Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga pampublikong paaralan na magsagawa ng unannounced earthquake at fire drills para makatulong na mapataas ang awareness ng mga mag-aaral at personnel, kung anu ang gagawin sakaling may mangyayaring kalamidad.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Sa DepEd Order No. 53 series of 2022 na nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte, binigyang diin dito na ang Pilipinas ay prone sa mga natural disasters at lindol, na may kaakibat na vulnerabilities, at mataas na banta ng sakuna sa mga paaralan at kumunidad.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Paliwanag ng ahensya, na maliban sa mga natural disasters, ay man-made catastrophes ay banta rin umano sa kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, guro at iba pang school personnel.

Dahil dito, ang pagkakaroon umano ng epektibong paghahanda ang susi para mapigilan ang disasters at mailigtas ang mga buhay.