Abalos, nanindigang kailangan na munang aralin ang pagsasa-legal ng medical use ng marijuana

Nanindigan si Interior Secretary Benhur Abalos na kailangan namunang pag-aralang maigi ang isinusulong na pagsasa-legal ng medical use ng marijuana.

Ito ang naging reaksyon ng Kalihim sa ginawang pagdinig sa Senado ng panukala para sa legalization ng compassionate use ng medical cannabis.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Abalos na bagamat mayroong mga pagaaral na posible itong makatulong laban sa ilang mga karamdaman – hindi raw niya maiwasang mangamba sa mga magiging epekto nito sa general public.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

READ MORE:

Paliwanag ni Abalos, hindi pa rin nila isinasantabi ang posibilidad na maabuso ito kaya naman dapat ay pag-aralan na muna ito at matiyak ang mga safeguards sa panukala.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Matatandaang kamakalawa nang isalang sa hearing isang subcommittee ng Senate Committee on Health and Demography ang Senate Bill No. 230 o ang Medical Cannabis Compassionate Access Act of the Philippines.

Dito tinalakay ang ilang mga pagaaral na nagsasabing nakatutulong ang cannabis oil sa ilang mga batang nakararanas ng seizures dahil sa epilepsy.
#