Grupo, hinimok si Marcos na magkaroon ng aksyon sa parusang ipinataw ng US Dept vs Quiboloy

Hinimok ng Gabriela Womens’s Party si Pangulong Bongbong Marcos na magkaroon ng aksyon sa pinakabagong parusa na ipinataw ng United States (US) Department of Treasury laban kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Pinatawan ng sanctions ng US Treasury Department si  Quiboloy at 40 iba pa mula sa 9 na mga bansa may kinalaman sa korupsyon at human rights abuses at panghahalay umano sa mga kababaihan na nasa murang edad lamang o 11 anyos.

Read More:  5 senators urge Bato to face ICC without Senate cover

Sa isang pahayag sinabi ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Partylist Rep. Arlene Brosas, kailangang may gawing hakbang ang local agencies para masawata ang posibleng pagpapatuloy ng sex trafficking at pang-aabuso sa kababaihan at bata na ginagawa ni Quiboloy. Kailangan rin umanong imbestigashan ang financial transactions nito.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Hindi umano pwedeng wait-and-see lang ang tugon dito.

Sinabi pa ni Brosas na maaaring simulan ng National Security Council (NSC) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang kanilang magkahiwalay na imbestigasyon laban kay Quiboloy, lalo na sa RA 11862 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act.

Si Brosas, na ang partido ay kabilang sa oposisyong Makabayan bloc,ay nakitang “ironic” na ang gobyerno ay “tahimik” sa kaso ni Quiboloy.//CA