DILG chief, hiniling na ireview ng maayos ang pagsasalegal sa medical cannabis

Binigyang diin ni Interior Secretary Benhur Abalos na kailangang maingat na ireview ang pagsasalegal ng medical cannabis, sa gitna ng seryosong problema sa ilegal na droga sa bansa.

Mababatid na may ilang grupo na nagsusulong para sa legalization, ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa Senate Bill No. 230, o ang panukalang Medical Cannabis Compassionate Access Act of the Philippines.

Read More:  6 Central Luzon provinces declared among hardest-hit by typhoons and Habagat

Pero para kay Abalos, ang pagpapasa sa panukala na walang safeguards ay maarig magdulot ng pagkaabuso.

Read More:  Romualdez camp questions Guteza’s credibility

Samantala, maging si public health advocate Dr. Tony Leachon ay bukas din sa naturang proposal, pero senegundahan nito ang concern ni Abalos kaugnay sa posibleng pag-abuso.

Mungkahi ni Leachon, kailangang saklaw lang ng legislation ang mga seryosong medical conditions at mahigpit na sundin ang prescriptions. //MHEL PACIA