‘Work-credentials’ sa mga OFWs, pinatitiyak ni PBBM

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na ang pagakaroon ng ‘micro-credentials’ ay makatutulong para mapanatiling competitive ang mga workers.

Sa pulong ng Pangulo kasama ang mga miyembro ng Private Sector Advisory Council, tinalakay ang mga pamamaran para palawigin pa ang skills development at iba pang mga learning programs.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Ayon kay Marcos, dapat ay matiyak ang paga-upskill sa mga Pilipino workers.

Kaugnay nito, makatutulong din aniya ang micro-credentials para masigurong hindi na mapipilitan pang mangibang-bansa muli ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na uuwi ng Pilipinas

Sa ganitong paraan aniya ay mas magiging adaptive ang mga OFWs at magiging handa sa pagpasok sa iba’t ibang mga larangan ng paggawa dito sa ating bansa.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Samantala, sa kaparehong PSAC meeting din ay tinalakay ang gma hakbang para lalo pang mapababa ang 4.5% na unemployment rate.

Inisa-isa ang mga rekumendasyon ng PSAC kabilang na ang paglikha ng mas maraming trabaho, at pagpapalakas sa mga maliliit na negosyo ‘o ‘yung mga micro-small-medium-enterprises o MSMEs.