Animal welfare group, environmental organization: iwasang magpaputok ngayong holiday season

Nanawagan ang isang animal welfare group at environmental organization sa mga Pilipino na iwasang gumamit ng mga paputok dahil nakakasama ito hindi lamang sa tao, kundi pati na rin sa kapaligiran at mga hayop.

Naglabas ng kanilang apela ang Philippine Animal Welfare Society at ang EcoWaste Coalition bago ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Sinabi ng national coordinator ng EcoWaste Coalition na si Aileen Lucero, na panahon na para bitawan ang toxic at warlike tradition sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon naman sa executive director ng PAWS na si Anna Cabrera, na ang mga paputok at iba pang pyrotechnics ay “torture” sa mga hayop tulad sa pusa at aso.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Bukod sa ingay na nakakasira sa tainga, ang usok na nalalanghap mula sa mga paputok ay maaaring magdulot ng anxiety, disorientation, kawalan ng gana sa pagkain at sakit ng tiyan sa mga hayop.