Pulong ni PBBM at DOH OIC Vergeire, hindi natalakay ang susunod na DOH Chief

Hindi natalakay sa pagitan ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang uupong sussunod na DOH Chief sa nangyaring pulong kahapon.

Sinabi ni Vergeire na nais ni Marcos na manatili ang pagtuon sa mga isyu tungkol sa pandemya.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Si Vergeire ay pinangalanang OIC noong Hulyo ilang linggo matapos maluklok si Marcos.

Sinabi rin ni Vergeire na ang posisyon ng DOH secretary ay hindi inaalok sa kanya, ngunit inamin na may reserbasyon sa pagtanggap nito.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

READ MORE:

Noong nakaraang buwan, sinabi niya na nakita niya ang maliit na pagkakaiba sa mga tungkulin ng OIC at kalihim pero sa kabila nito ay nagpapatuloy ang kanilang operasyon at serbisyo sa DOH.
#