Bilang ng aktibong kaso ng COVID- 19 sa Mercedes isa na lang

CAMARINES NORTE- Matapos makapagtala ng mga bagong kaso ng COVID- 19 sa nakaraang dalawang linggo, isa na lang ngayon ang aktibong kaso ng sakit sa naturang bayan.

Batay ito sa COVID- 19 situational report ng Municipal Health Office nitong Martes, December 6.

Mula noong 2020 umaabot na sa 204 ang cumulative cases ng sakit sa naturang bayan.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Pinakamarami ang nagkaroon ng COVID sa San Roque na may 38 na kaso na may naitala ring 4 na pagkasawi at 33 recoveries.

Sinusundan ito ng del Rosario na may 26, 2 pagkasawi at 24 ang gumaling.

Habang pinakakunti naman ang naitalang kaso sa Catandunganon na mayroong lang isa.

Mas maraming mga babae ang tinamaan ng COVID- 19 sa naturang bayan sa age group na 21- 30.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Umaabot naman sa kabuuang 22 ang nasawi at 181 ang gumaling.

Patuloy ngayon ang paalala ng Lokal na Pamahalaan sa mga residente na magpabakuna na sa lalong madaling panahon.

Isa ang Mercedes sa limang bayan sa lalawigan ang nagsasagawa ng Barangayang Suyod Bakuna.