Marcos, pinamamadali na ang pagpapalabas ng national ID

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pag-fast track sa pag-print ng digital national ID.

Ayon kay Marcos, kinakailangang isunod na agad ang pag-print sa physical ID.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Noong Nobyembre, mababatid na sinabi ni PhilSys registration officer-in-charge Engineer Fred Sollesta na target ng ahensya na makapag-generate ng 20 million ePhilID.

Samantala, nagkaroon naman ng printing issues ang ahensya kaugnay sa hindi agad nasimulan na flow ng data, bagay na adaga namang naituwid ni PSA Undersecretary Dennis Mapa. 

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Ayon sa PSA, tinitingnan nila ang pag-i-issue ng Philippine Identification System number sa lahat ng registrants sa unang quarter ng 2023. //MHEL PACIA