Nilagdaan ng 19 na senador ang committee report na naglalaman Sexual Orientation, Gender Identity and Expression and Sex Characteristics (SOGIESC) Equality Bill.
Ang naturang panukala ang magbibigay ng mandato sa gobyerno na tugunan ang diskriminasyon at karahasan sa ilalim ng SOGIESC.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros, masaya siyang malaman na 19 sa kanyang mga katrabaho ang sumuporta sa SOGIESC Bill.

Dagdag pa ni HOntiveros, na sa loob lang ng isang araw ay nahikayat ng panukala na pumirma ang ibang miyembro ng konggreso.
Aniya, lalo siyang nabuhayan sa loob ng Kongreso, at hinahangad niya ang tuluyang pagkakapasa ng SOGIE Bill. //MHEL PACIA