9 anyos na batang missing, bangkay na ng matagpuan sa isang creek sa Cuenca, Batangas

Isa nang malamig na bangkay ng matagpuan ang 9 na taong gulang na batang lalaki sa isang creek sa Cuenca, Batangas matapos na ilang araw na nawawala.

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay PMaj. Ernie delos Santos, sinabi nitong natagpuan ang bangkay ng biktimang Rommel Moog sa boundary ng bayan ng San Jose at Cuenca, dakong 3:45 ng hapon noong Linggo, Disyembre 4, 2022.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon kay delos Santos, posibleng nadulas ang bata sa creek habang namumulot ng mga basura at nahulog sa ilog.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Napag-alaman na kapag walang pasok ang bata ay nangongolekta ito ng basura.

Giit ng opisyal, walang foul play sa insidente batay sa resulta ng otopsiya sa bangkay ng biktima.