Ex-Batangas Vice Gov. Ricky Recto, pumanaw na

Naglukuksa ngayon ang pamilya Recto para sa pagpanaw ng dating Bise Gobernador ng Lalawigan ng Batangas na si Ricky Recto.

Kinumpirma ni Deputy Speaker Batangas 6th District Rep. Ralph Recto ang pagpanaw ng kanyang nakatatandang kapatid.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Nagpasalamat naman ang nakababatang Recto sa mga nagpaabot ng pakikiramay sa kanilang pamilya.

Sa kabila nito, hindi kinumpirma ng Kongresista ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang kapatid.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng anak nitong si Raina Recto-Galang na natagpuang patay ang dating Vice Gov sa kuwarto nito sa Pasig City.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa inisyal na imbestigasyon ng Eastern Police District, wala nang buhay nang matagpuan si Recto sa bahay nito sa Valle Verde ng naturang lungsod.
#