BBM, umaasang mas titibay pa ang relasyon ng Pilipinas at Mauritania, Laos, at Mongolia

Isinusulong ni Pangulong Bongbong Marcos ang mas matatag na kooperasyon at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga larangan kasama ang Mauritania, Laos, at Mongolia.

Ito ang ipinahayag ng Pangulo matapos niyang i-welcome sa Malacañang ang mga envoys mula sa nasabing bansa.

Sa pagharap ni Mauritania Ambassador B.A. Samba Mamadou sa Pangulo, sinabi niyang umaasa siya sa mas matibay na business ties at pamumuhunan mula sa dalawang mga bansa.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Tugon dito ni Marcos, mayroong mga Pilipinong negosyante na maaaring mamuhunan para rito kagaya na lamang ng mayamang sources ng Mauritania ng coal, copper, at gas deposits; pati na rin ang ilan pang natural resources at fisheries.

Nagkasundo rin ang Pangulo at si Laotian Ambassador Sonexay Vannaxayna patatagin pa ang ‘people-to-people’ exchange.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon kay Marcos, maaaring makatulong ang Pilipinas sa larangan ng agrikultura sa Laos.

Nagpatulong naman ang Laotian official sa larangan ng healthcare services.

Para naman sa Mongolia, wi-nelcome rin ng Pangulo si Ambassador Enkhbayar Sosorbaram.

Dito ay ipinaabot kay Marcos ang imbitasyon ng Mongolian President na bumisita ito sa kanilang bansa sa susunod na taon.
#