PNP, pinaigting pa ang crackdown sa mga smuggler ng paputok

Kulang-kulang isang buwan bago salubingin ang 2023 – mas pinalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya nito laban sa mga iligal na nagbebenta, nag-aangkat, at gumagawa ng mga paputok.

Ayon kay PNP Firearms and Explosives Office (FEO) Col. Paul Kenneth Lucas, hindi bababa sa sampung mga illegal firecrackers importers ang kanila nang nakasuhan.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Maliban pa rito, mayroon pa umano sialng fina-follow up sa bahagi ng Region 3 kasama na sa Bulacan, at ilang mga areas sa Cebu.

Napag-alaman kasing mayroong iilang mga nagi-smuggle ng mga paputok at ire-repack para magmukhang gawa ito sa Pilipinas.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Paliwanag ni Lucas – mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang importation ng mga finshed products na paputok at pailaw.

Matatandaaang sa mga nagdaang linggo – dalawang insidente ng pagsabog ng mga iligal na pagawaan at imbakan ng paptuok ang naitala kabilang na sa Calamba, Laguna; at sa Sta. Maria Bulacan.
#