Malapit na umanong ilabas ang third tranche ng cash aid program ng gobyero para sa mga mahihirap na nagkakahalaga ng P5.2 billion.
Makakabenipisyo ng naturang halaga ang nasa 9.8 million indibidwal.
Sa ilalim ng naturang programa, binibigyan ng P500 na subsidya kada buwan ang mga mahihirap na household sa loob ng anim na buwan, para mabawasan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis at iba pang bilihin.
Sa ngayon, tatlong tranches na ang nailalabas ng gobyerno para dito.
Una nang naglabas ang DBM ng P10.33 billion, saklaw ang dalawang buwan na cash transfers para sa 10 million beneficiaries.
RELATED STORY:
