DOJ, sumangguni sa NCCA para ipagpatuloy ang excavation kung saan nahukay ang mga kalansay

Hihingi ng permiso ang Department of Justice sa National Commission for Culture and the Arts o NCCA para ipagpatuloy ang excavation sa kanilang gusali sa Maynila kung saan natagpuan ang kalansay ng mga tao na pinaniniwalaang namatay noong world War II.

Paliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla,kailangan ito sa lalong madaling panahon dahil may target na panahon para sa pagpapatayo ng bagong gusali sa DOJ compund.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Noong November 25, sinabi ni Remulla na ini-utos niya ang pagpapahinto ng trabaho sa construction site sa kung saan itatayo ang library ng departamento.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Sa paghuhukay para sa pundasyon ng gusali, natuklasan ng mga manggagawa ang mga skeltal remains ng higit sa isang tao s noong November 24.

Itinurn-over na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga skeletal remains para sa pagsusuri.

RELATED STORY: