Nagbabala si House Deputy Minority Leader Paul Daza, na maaring magbigay ng masyadong kontrol kay Pangulong Bongbong Marcos sa ilalim ng probisyon ng Maharlika Investment Fund, kung saan dapat mapunta ang pondo.
Paliwanag ni Daza, magbibigay ito ng pahintulot sa pangulo na ma-manage ang pondo, na kinabibilangan ng surplus, excesse mula sa sale ng malalaking government assets.
Giit ng mambabatas, na kung kukuha pa ng pondo mula sa General Appropriation Act para dito, ay matatanggap na ang kapangyarihan ng purse ng Kongreso.
Maliban dito, binigyang diin din ni Daza na hindi kailangan italaga ng pangulo ang independent board members para dito, para magkaroon ng safeguard at independent.
Ito ang nag-udyok sa ibang mga authors ng panukala gaya nina Albay Representative Joey Salceda at Marikina Representative Stella Quimbo, na amyendahan ang panukala at iminungkahi na ang independent board members ay dapat magmula sa private sector of great expertise o sa academe.
RELATED STORY: https://brigadanews.ph/maharlika-sovereign-wealth-fund-ni-speaker-romualdez-may-pondo-dof/
