Mga aktibidad at schedule para sa ‘Nazarene – Walk of Faith 2023’, inilatag na ng Quiapo Church

Nagtakdana ng mga aktibidad at schedule ang Quiapo Church para sa pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno 2023.

Sa isang press briefing, sinabi ni Nazareno 2023 adviser Alex Irasga na isasagawa ang mga tradisyunal na aktibidad maliban sa pahalik sa imahe ng Black Nazarene maging ang pasanan.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sa halip na mga aktibidad na ito, ang kapistahan ay magkakaroon ng “walk of faith”procession na isang parada na walang imahe ng Itim na Nazareno.

Ang Pagbasbas o blessing ng Black Nazarene replicas ay gaganapin sa Plaza Miranda mula December 27 hanggang December 29, 2022.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Isang thanksgiving motorcade rin ang isasagawa mula Plaza Miranda hanggang sa ilang kalapit na kalye at pabalik sa Plaza Miranda sa Disyembre 30, 2022.

Matatandaang , inalis ng Quiapo Church ang ilang aktibidad kabilang ang traslacion dahil sa pandemya ng COVID-19.