PCG, pagiigtingin ang kampanya para pigilan ang exploitation sa mga Badjaos sa NCR

Inatasan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng port officers na magsagawa ng passenger background check sa lahat ng mga pantalan, upang mapigilan ang exploitation sa mga Badjao, ng ilang mga grupo na nagdadala sa kanila sa Metro Manila.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, nakipag-ugnayan na sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpapatupad ng mga hakbang para mapigilan ang pagpasok ng mga Badjaos, na umano’y iniutusang manglimos sa National Capital Region (NCR), lalo na sa panahon ng kapaskuhan.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kaugnay nito, kinuha rin umano nila ang local government units (LGUs) para mag-establish kung may valid reason para payagan ang mga pasaherong Badjao na sumakay sa barko.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Una nang nagtungo si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa Zamboanga City, para talakayin ang naturang problema sa PCG Southwestern Mindanao District Commodore Marco Antonio Gines.

Nangako si Gines, na makikipag-ugnayan ang PCG sa mga local governments at magsasagawa ng mahigpit na inspeksyon sa mga ports para pigilan ang kahina-hinalang mga Badjao na makapasok sa Metro Manila. (PCG PHOTO)