NAGA CITY – Naka red alert na ang Bureau of Fire Protection ngayong Christmas Season hanggang sa Bagong Taon.
Palalakasin ang Ugnayan sa Barangay Program na kabilang sa mga aktibidad nila ngayong buwan ng Disyembre.
Sa pagharap sa media, sinabi ni SFO2 Gershon Aspe, Provincial Public Information Officer ng BFP sa Camarines Sur, sinabi nito na dapat walang mangyaring sunog o kaya anumang fire cracker related incident tulad noong nakaraang taon.
Ayon sa kanya, ang bawat lokal na pamahalaan ay may kanya kanya namang programang ipinatutupad hinggil dito.
Nakaalerto aniya sila lalo na sa araw ng Pasko o kaya sa araw ng Pasalubong sa Bagong taon.
May mga ginagawa na rin silang paglilibot sa mga barangay para matiyak na sumusunod ang publiko sa mga paalalang ginagawa nila, sabi pa ni Aspe.
Kabilang sa mga paalala nila ay iyong huwag hahayaang nakasindi ang mga Christmas Lights sa buong magdamag dahil posibleng ito ang simulan ng sunog.