PNP, kinumpirmang dinalaw si De Lima ng US Senate staff

Kinumpirma ng Philippine National Police, na dinalaw ng isang grupo ng US Senate staff si dating Senator Leila de Lima, para icheck ang living conditions nito sa loob ng kanyang quarters sa PNP-Custodial Center.

Sa pahayag ng PNP, dinalaw umano ni Chris Homan, senior adviser on national security and foreign policy ng US Democrat ni Senator Dick Durbin, si De Lima kahapon ng umaga.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ang pagbisita nito, kasama ang iba pang staff members ay pinayagan ng korte sa pamamagitan ng Regional Trial Court Branch 256 at 204.

Malugod naman na tinanggap ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr. si Homan, bago ito dalhin sa PNP Grandstand para sa briefing at documentation.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Tiniyak din umano ng PNP na ma-inform si Homan, na regular na minomonitor ang kalusugan ni De Lima, at ang desisyon nito na manatili sa custodial facility sa kabila ng alok na ilipat.

Sa kasalukuyan, ang dating senador ay nasa hiwalay na quarters, kung saan may sarili itong basic furniture at fixtures.