Risa: Gobyerno ng Pilipinas, nagkukumahog na para ma-rescue ang 31 pang Filipinos na mga biktima ng trafficking sa Myanmar

Nagkukumahog na umano ngayon ang gobyerno para marescue ang nasa 31 indibidwal na umano’y biktima ng human trafficking sa Myanmar.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, na batay sa pahayag ni alyas “Rita” isa sa mga biktima ng human trafficking, sinasaktan umano sila ng may hawak sa kanila sakaling hindi naabot ang itinakdang quota para sa kanila, kung saan binabantaan silang magsasagawa ng 1,000 push ups, magbuhat ng galon galong tubig, papaluin ng electric rods, at sasaksakin hanggang sa mamatay.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025
Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Si Rita, ang isa sa 12 indibidwal na kabilang sa unang batch na narescue ng gobyerno.

Dahil dito, muling nanawagan si Hontiveros sa Department of Foreign Affairs, na madaliin ang pagsagip sa iba pang kababayan, sa pamamagitan ng paghingi ng tulong sa kanilang counterparts.