Director ng Albay PPO, nag-ikot sa ilang mga lugar sa lalawigan upang alamin kung maayos na naipatutupad ang MKK

LEGAZPI CITY – Inikot ng provincial director ng Albay Police Provincial Office (PPo) ang ilang mga bayan at lunsod sa lalawigan upang tingnan ang kalagayan ng mga kapulisan sa pagpapapatupad ng Malasakit para sa Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran (MKK=K) at ROaD to Kaunlaran.

Ayon kay PCol. Fernando Cunanan, Jr., mas papalakasin nito ang police visibility sa lalawigan para sa pagpapanatili ng “peace and order”.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Tiniyak naman ng Albay PPO na maayos ang pagkakalatag sa mga kapulisan na kanyang nasasakupan.

Pinuntahan at kinausap nito ang mga kapulisan na nakatalaga sa mga lansangan, at binigyan ng ilang gabay upang lalong mapaigting ang pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan at matiyak na maayos at tahimik nilang magagampanan ang kanilang tungkulin na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang areas of responsibility.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Bahagi ito ng mas pinalakas na pagpapatupad ng dalawang nabanggit na programa, na susi para sa pagsasakatuparan ng mithiin ng Albay PPO.