541 kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD), naitala sa lalawigan ng Albay

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) Gna umabot na sa 541 ang mga naitalang kaso ng hand, foot, and mouth disease sa lalawigan ng Albay mula noong Nobyembre 15-25.

Ayon sa PESU, pinakamaraming naitalang kaso ng HFMD ay sa bayan ng Oas kung saan mayroong 162 na sinusundan naman ng Legazpi City at ng Guinobatan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Dahil dito, ang Albay Provincial Health Office (PHO) ay nagsimula nang magsagawa ng disinfection sa mga komunidad upang hindi na dumami pa ang mga kaso nito.

Samantala, kabilang sa mga sintomas ng nasabing sakit ay ang lagnat at mga rashes.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Dahil dito, ang sinumang nakararanas ng nabanggit na mga sintomas ay inaabisuhang manatili sa kani-kanilang mga tahanan upang hindi na makawa pa sa iba.

Pinapayuhan naman ng PESU kasama ng PHO ang publiko na panatilihin ang proper hygiene sa lahat ng oras.