Dating VP Robredo, tinalakay ang paglaban sa disinformation sa PH sa US forum

Tinalakay ni dating Vice Presidente Leni Robredo ang paglaban sa disinformation sa Pilipinas sa Obama Foundation’s Democracy Forum sa United States.

Sinabi ni Robredo na sinimulan ng kanyang kampo na itama ang fake news sa panahon ng tatlong taon ng kanyang termino bilang bise presidente.Isang malaking pagkakamali umano ang hindi niya pagpansin sa mga ipinapakalat na fake news tungkol sa kanya noon.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Naging pinakamalaking hamon rin umano sa kaniyang naging kampanya ang disinformation nang siya ay tumakbo bilang pangulo noong May 2022

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Gayunpaman, sinabi ni Robredo na ang house to house campaign na kanilang ginawa ay nakita niyang pambihirang tagumpay para malabanan nag fake news.

Sinabi rin ng dating Pangalawang Pangulo na kailangan pa ang karagdagang pananaliksik para ilantad ang disinformation operations sa Pilipinas. //MHEL PACIA