Public consultation sa IRR ng sim card registration law, itinakda sa Dec 5

Itinakda ng National Telecommunications Commission sa December 5 ang public consultation sa implementing rules and regulations ng sim card registration law.

Ayon sa NTC, pagkatapos ng gaganaping konsultasyon, isa pang technical working group hearing ang maaaring isagawa bago mailathala ang IRR sa December 12.

Sinabi ni NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan , ang pagdinig ay magpapahintulot sa mga stakeholders at sa publiko na magkomento sa mga iminungkahing alituntunin na inihanda ng TWG.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sinabi ni Salvahan na natapos na ng ahensiya  ang dalawang technical working group meeting ngayong linggo at nakabuo na ng ilang parameters.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sa ilalim ng iminungkahing IRR, ang SIM registration ay gaganapin ng hanggang 300 araw, habang ang lahat ng hindi rehistradong SIM ay ide-deactivate pagkatapos ng 5 araw mula sa panahon ng pagpaparehistro kung ang mga gumagamit ay mabibigo na magparehistro at muling mag-activate ayon sa NTC.

Ang pagpaparehistro ay tinatarget na magsimula sa December  27 kapag ang IRR ay nai-publish na. //MHEL PACIA