FDA, ikinabahala ang paglipana ng mga pekeng gamot sa mga online shopping apps

Ikinabahala ng Food and Drug Administration (FDA) ang tumataas na bilang ng mga pekeng gamot mula noong pandemya ng COVID-19.

Ang mga pekeng gamot ay ibinebenta sa mga social media sites at online shopping apps.

Partikular sa binanggit ni FDA Common Services Laboratory Director Jocelyn Balderrama ang paglaganap ng mga pekeng paracetamol dahil sa COVID-19.

Kaya paalala ng FDA sa mga mamimili, maging maingat dahil mahirap matukoy kung ang mga online sellers ay lisensyadong magbenta ng mga gamot.

Inamin rin ng ahensiya na nahihirapan silang habulin ang mga pekeng manufacturers dahil sa kawalan ng police powers.

Ayon sa  Department of Health (DOH) ,  ang mga pekeng gamot na naglipana sa merkado ay maituturing na “global public threat” dahil sa posibleng masamang epektong dala nito sa kalusugan ng isang indibidwal. //MHEL PACIA