LGU T’Boli, grand winner sa Pearl Awards

KORONADAL CITY- KINILALA ang local government unit o LGU T’Boli bilang Best Tourism-Oriented LGU sa buong bansa sa isinagawang Pearl Awards 2022.

Ang awarding ceremony ay isinagawa bilang bahagi ng 23rd National Convention ng Association of Tourism Officers of the Philippines o ATOP.

Read More:  Hard-to-reach Aklan village gets health, education support

Ang naturang pagkilala ay ang highest award na ibinibigay ng Pearl Awards sa mga LGU na may natatanging Tourism Industry and Enterprise.

Ayon kay Tourism Officer Rodel Hilado na ang pagkapanalo ng LGU sa Pearl Awards ay dahil sa mga polisiya at development plan nito sa larangan ng turismo lalo na ang pagpapatupad ng community-based approach o aktibong partisipasyon ng mga komunidad sa pagpapaunlad ng turismo sa naturang lugar.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days