CAMARINES NORTE- Target ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) na maipalabas ang revised policies and guidelines sa buwan ng Disyembre.
Ito ang inanunsiyo ng pamunuan ng ospital sa flag raising ceremony Lunes ng umaga, November 15.
Kaugnay nito ay inabisuhan ang lahat ng unit section head na i- revisit ang lahat ng mga umiiral na polisiya dahil aayusin umano ito mula pagpasok hanggang paglabas ng pasyente.
Layon umano ng pamunuan ng ospital ang “patient satisfaction.”
Dahil dito ang bawat departamento tulad ng medical, nursing at administrative service ay hinihimok na mag come- up ng uniform design.
Ang mga polisiya ay ihahanda ng section head o kung sinumang responsible person na rerebyuhin ng department head.
Nasa Chief of Hospital naman ang final approval ng revised policies and guidelines.
Kumpiyansa ang pamunuan ng ospital na matatapos ito ngayong nalalabing panahon ng Nobyembre.
