Mga habal-habal at iba pang pambublikong sasakyan inoobliga ng LGU- Pili na magparehistro

CAMARINES SUR- Patuloy ang ginagawang pagpaparehistro ng mga pedicab driver, habal-habal driver pati tricycle driver sa Pili, Camarines Sur inoobliga na sila ng lokal na pamahalaan.

Base sa inilabas na Executive Order No. 001 ni Acting Mayor Francis Belen, dapat lahat rehistrado sa Barangay.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Mababatid na pedicab driver ang kinasuhan sa pagnanakaw, pagpatay at panggagahasa kay Irish Mae Payonga; ang Senior High School Student ng Naga City na residente ng bayan ng Camaligan na ilang araw nawala at sa kasamaang palad ay patay na nang matagpuan sa Barangay Cadlan, Pili.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Una nang sinabi ng Camarines Sur Police Provincial Office na hindi pa nila isinasara ang imbestigasyon sa nasabing krimen.