Bantag, nakapagtayo ng sariling ‘fiefdom’ sa loob ng Bilibid ayon kay Marcos

Tila nakapagpatayo na umano si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ng sariling  fiefdom sa loob ng New Bilibid Prison, matapos na lumabas ang mga resulta ng imbestigasyon kaugnay sa pagpatay sa hard-hitting radio commentator na si Percy Lapid, na nagbigay daan para madawit ang ilang mga opisyal ng gobyerno na utak sa krimen.

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Maliban kasi kay Bantag, nasasangkot din si BuCor Deputy Security Officer (DSO) Ricardo Zulueta sa Lapid slay case.

Ayon kay Marcos, hindi na niya kailangan na magbigay ng maraming kautusan sa mga imbestigador sa kaso, dahil nagawa na nila ng maayos ang trabaho.

Read More:  Marcos’ satisfaction rating falls to -11 in SWS survey

Sa ngayon, kailangan nalang umanong madiskubre kung bakit at kung anu ang nangyayari sa loob ng New Bilibid Prison.

Dahil hindi pa naman nakakausap ang lahat ng mga pinangalanang suspek, middlemen at masterminds, ay hindi pa maisasara ang imbestigasyon. //CA