5 katao, dinakip dahil sa paglalaro ng ‘lucky 9’ sa Cauayan City

Arestado ang limang katao na naglalaro ng baraha o lucky 9 sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng kapulisan sa Villarta St., Dist. 1, Cauayan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Pablito Borlongan, 40-anyos, may asawa, laborer; Emerson Galasinao, 30-anyos, single; Maximin Abella, 40-anyos, may asawa; Junjun Viloria, 34-anyos, may asawa at Ronnie Maiquez, 19-anyos na pawang mga vendor at mga residente sa nabanggit na lugar.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Una rito ay nakatanggap umano ng impormasyon ang PNP Cauayan City na mayroong grupo na nagsusugal sa naturang lugar na agad namang inaksyunan ng kapulisan.

Huli sa akto ang mga pinaghihinalaan na naglalaro ng baraha partikular ang lucky 9 na dahilan ng kanilang agarang pagkaaresto.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Nakumpiska ng mga otoridad ang isang set ng playing cards at bet money na nagkakahalaga ng 900 pesos sa iba’t-ibang denomination.

Dinala ang mga naaresto at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Cauayan City Police Station para sa tamang disposisyon.