DOJ, maghahain ng precautionary HDO vs mga sangkot sa Percy Lapid killing

Nakatakdang maghain ang Department of Justice (DOJ) ng ‘precautionary hold departure order’ laban sa mga personalidad na iniimbestigahan sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, inatasan na niya ang kanyang mga tauhan para maghain ng precautionary hold departure order.

Read More:  Power rates expected to rise in August as NGCP transmission charges jump 22.22%

Una nang sinabi ni Remulla na hindi na kailangan ng lookout bulletin dahil bawal namang lumabas ng bansa ang sinumang opisyal ng gobyerno ng walang permiso.

Read More:  Cendaña warns of legal action over online attacks targeting his medical condition

Maaaring magsampa ng nasabing order ang prosecution sa korte upang pigilan ang tangkang paglabas sa bansa ng mga sumasailalim sa preliminary investigation.

Sa ngayon, wala pa namang nabubuo ang DOJ na panel of prosecutors na magsasagawa ng paunang imbestigasyon sa pagpaslang sa mamamahayag. //MHEL PACIA/CM