Senado inaprubahan ang committee report kaugnay sa sugar mess

Inaprubahan na ng Senado ang report ng Senate Blue Ribbon Committee mula sa naging imbestigasyon nito sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4 (SO 4).

Nilalaman sa naturang report ang pagrerekomenda na sampahan ng mga kasong kriminal at administratibo ang mga lumagda sa SO 4 na sina suspended Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, dating SRA administrator Hermenegildo Serafica at dalawa pang board members.

Read More:  DepEd strengthens student counseling after Zamboanga school shooting

Kabilang sa mga kaso laban sa mga ito ay ang katiwalian, paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, at usurpation of official functions.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Matatandaan na sinabi ng Malacañang na hindi awtorisado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa nasabing sugar order para sa pag-import ng 300,000 metriko toneladang asukal. //MPT