Govt, target umangkat ng 150k MT na fertilizers mula sa China ngayong taon

Target umano ng gobyerno na bumili ng mas murang fertilizers mula sa China at ibibigay ito sa mga Pilipinong magsasaka nang libre.

Ito ang ibinunyag ng Malacañang matapos na makipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), at Philippine Trade and Investment Center (PTIC) para talakayin ang mga hakbang para matulungan ang mga magsasaka at mapababa ang presyo ng pagkain.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Ayon kay PTIC President at Chief Executive Officer Emmie Liza Perez-Chiong, na plano ng ahensya na bumili ng inisyal na 150,000 metric tons (MT) ng fertilizerngayong taon mula sa China sa $470 bawat MT.

Giit ni Chiong, na ang government-to-government agreement ay mas mura kumpara sa kasalukuyang $650 MT.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Sa ngayon, binubuo na ang memorandum of agreement sa pagitan ng PTIC at DA, na basic requirement para sa PTIC importation plan, maliban sa sovereign guaranty mula sa government-owned Landbank para sa P1 billion credit line.

Sinabi naman ni Pangulong Bongbong Marcos na plano niyang lagdaan ang MOA ngayong linggo. //MPT