Alkalde ng Polangui, Albay, nagpahayag ng kanyang 1st 100 days accomplishment

LEGAZPI CITY – Inilatag ng Alkalde ng Polangui, Albay ang kanyang mga nagawa sa loob ng 100 araw na panunungkulan sa pagkaalkalde sa bayan.

Sa naging talumpati ni Mayor Adrian Salceda, inihayag niya na sa unang pag-upo nito noong Hulyo 1, 2022 ay tinutukan ng LGU ang kalusugan lalo na ang Vaccination Program laban sa Covid-19.

Read More:  Grade 10 student found carrying loaded revolver inside Iloilo school

Humigit-kumulang sa 50 indigent beneficiaries din ang natulungan sa pamamagitan ng DSWD Medical Assistance at marami pang iba.

Inihayag din niya na ang Polangui ang kauna-unahan sa ikatlong distrito ng lalawigan ang nagkaroon ng Emergency Quick Response Team (EQRT) para sa mabilisang pagbibigay ng tugon may kalamidad man o wala.

Read More:  Mother, three children killed inside Zamboanga del Sur home

Sinabi rin nito na patuloy pa rin ang pagsasaayos o pagpapagawa ng evacuation centers sa bayan, mga kalsada at iba pang mga programa sa Education.