Mahigit 300 pamilya sa Pampanga, nananatili parin sa evacuation center

Aabot pa sa 382 na pamilya o 1, 328 na inidibidwal sa Pampanga ang nananatili pa rin sa evacuation center.

Ito ay dahil hindi pa humuhupa ang tubig baha sa ilang mga residential areas sa lalawigan.

Read More:  Religious beliefs influence family planning decisions among some Muslim families – CRMC

Karamihan sa mga evacuees ay mula sa bayan ng Macabebe, Masantol, Bacolor, Minalin, Guagua at Sasmuan.

Ang mga nasabing lugar ang itinuring na catch basin  sa lalawigan na madalas bahain tuwing maulan o high-tide.

Read More:  Madrasa teacher killed in shooting at Muslim Village in Davao City

Samantala, sa report ng Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, 99 na baranggay sa Pampanga ang nakakaranas pa rin ng pag baha na may taas na limang talampakan.