Human papillomavirus (HPV) DNA testing at cervical cancer screening, libre na sa bayan ng Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Maaari nang magpa-test para sa human papillomavirus (HPV) DNA at para naman sa cervical cancer screening dahil libre na ito sa bayan ng Camalig, Albay sa darating na Nobyembre 4, 2022.

Bukas ang testing para sa mga babaeng may edad 30-49 taong gulang sa rural health office ng bayan sa nasabing petsa na mag-uumpisa sa ganap na alas 9 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali.

Read More:  44 ASF-positive pigs culled, buried in Cebu

Batay sa anunsyo mula sa lokal na pamahalaan ng Camalig, ang mga babae na tanging pahihintulutang magpa-test ay yaong walang anumang sexual contact sa loob ng tatlong araw, hindi nakaranas ng hysterectonomy o pagtanggal ng matres, walang vaginal spotting o menstruation, at higit sa lahat, hindi pahihintulutan ang mga buntis.

Read More:  Classes suspended at Negros school after shooting threat spreads online

Kinakailangan lamang na magdala ng sariling ballpen sa pag-fill out ng mga kinakailangang forms.