LGU Camalig, nagsagawa ng inspeksyon sa mga sementeryo para sa ligtas na Undas 2022

LEGAZPI CITY – Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Camalig, Albay ang pag-iinspeksyon sa mga sementeryo upang magkaroon ng ligtas na undas ngayong ngayong araw.

Ang nasabing gawain ay isinagawa sa ilalim ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP).

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Layunin ng nabanggit na pamahalaan na masiguro ang kaligtasan ng publiko sa pagpunta nila sa mga sementeryo upang bisitahin ang puntod ng kanilang yumaong mga mahal sa buhay.

Isinagawa ito ng tanggapan sa kabila ng mga taong maagang nagsipunta sa mga sementeryo upang maghanda.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Naglagay ang Municipal Environment and Natural Resources (MENRO) ng mga eco aides sa pamamagitan ng kani-kanilang solid waste management task force bilang katuparan sa MDRRMC Advisory No. 1-2022.

Samantala, ipinagbabawal ng LGU ang pagdala ng mga alak, armas o anumang matatalim na bagay upang maging ligtas ang lahat sa undas.