Ilegal na transport service tulad ng Backride Palawan, dapat nang hulihin- Kon. Awat

Dapat nang umaksyon ang mga tagapag-patupad ng batas laban sa mga illegal transport Service sa Puerto Princesa, ayon kay City Councilor Nesario G. Awat.

Sa Tira Brigada ay inihayag nito na kung walang permit to operate ang mga ito ay dapat agad na hulihin ng law enforcers.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nagtataka umano ang lokal na mambabatas kung bakit walang nagsisita na awtoridad sa mga riders at kung ito ay may angkas na pasahero.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dahil dito, ipinanawagan ni Konsehal Awat sa mga enforcement unit na gawin ang kanilang mandato at ipatupad ang nararapat.

Samantala, nakatakdang talakayin muli ng Committee on Transportation ng Sangguniang ang tungkol sa sa muling pamamasada ng Backride Palawan.