Dpwh region 3, nakahanda na sa “lakbay alalay” operation ngayong undas

Nakahanda na ang department of public works and highways o dpwh region 3 sa kanilang ‘lakbay alalay’ operation.

Ito ay para asistihan ang mga motorista at biyahero sa darating na undas sa susunod na linggo.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

 Ayon kay Dpwh-3 Regional Director Roseller Tolentino, magdedeploy ang opisina ng composite teams sa mga strategic location sa rehiyon mula October 28 hanggang November 4.

Samantala, ang mga 24-hour assistance stations ay itatalaga sa national roads para sa mas mabilis na pagresponde sa mga aksidente sa kalsada at iba pang emergency situations- Arjay Supe- Bnfm OLongapo

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop