APSEMO, mapapatupad ng mandatory evacuation dahil sa mudflow sa oras na mag-40 mm per hour ang ulan sa lalawigan

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na ipatutupad nila ang mandatory evacuation sa lalawigan lalo na sa mga apektadong lugar sa mudflow sa oras na naging 40 milimeters per hour na ang ulan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa pahayag ni Dr. Cedric Daep, head ng APSEMO, sinabi niyang sa oras na tumama ang bagyo sa Visayas, ngunit sa 24-hour weather forecast ay sinasabing maaapektuhan tayo ng shareline ng northeast monsoon, kinakailangan na umanong maghanda para sa pag-ulan na magdudulot ng baha, landslide at mudflow.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Dagdag pa niya, sa oras din na itaas nan g PAGASA ang signal no. 1 o 2 sa mga lugar ay irerekomenda na nilang magpatawag ng special meeting upang paghandaan ang bagyo. Asahan din umano na magkakaroon ng detalyado at malinaw na mga plano sa kahandaan para sa bagyo.