Mga maliliit na sasakyang pandagat pinagbawalan munang maglayag sa Camarines Sur

NAGA CITY – Bawal maglayag ang maliliit na sasakyang pandagat sa Camarines Sur base sa abiso ng Philippine Coast Guard dahil sa gale force dulot ng Amihan.

Sa Barangay Castillo sa Cabusao ayon kay Punong Barangay Lourdes Esteban, kailangan na itago ang mga bangka sa ligtas na lugar, mayroon na kasing nasira dahil sa malakas na hampas ng alon sa mga batuhan, sa dalampasigan

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Esteban, sinabi ng opisyal na “no sailing policy” sila bilang pagsunod na rin sa inilabas na Sea Travel Advisory ng Coast Guard Station Camarines Sur.

Read More:  Six arrested in Leyte over alleged illegal diesel sale

Delikado sa sinumang mangingisda o sinumang magbi biyahe sa dagat dahil nga sa ganitong klase ng panahon, maulan na may kasamang pabugso-bugsong lakas ng hangin.