City Government, pag-aaralan pa kung papayagan na magkaroon ng sariling rota ng pampasadang jeepney ang Brgy.Barretto, Olongapo

Papayag ang city government sa hiling na dagdagan ang rota at unit ng jeepney na pumapasada sa Olongapo.

Ito ay kung makikita sa pag-aaral na ang kakulangan sa unit ang dahilan kung bakit hiniling ng Barangay Barretto na magkaroon ng hiwalay na rota para sa mga residente.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Ayon kay Mayor Lenj Paulino, ikokonsidera ng city government ang bilang ng pumapasadang unit, dami ng pasahero, lagay ng trapiko at halaga ng gasolina bago mag-aplay para sa panibagong rota.

Read More:  Murad Ebrahim stresses moral governance on FAB anniversary

Sa flag raising ceremony sa city hall noong lunes, ipinaalala ni Kap.Gie Baloy ang dalawang taon nang reklamo ng mga mananakay na residente ng barangay na madalas mawalan ng masasakyan pauwi galing sa trabaho.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO