Operation manager, huli sa gun buy-bust operation sa lunsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang operation manager sa P-1, Brgy. Bagumbayan, lunsod ng Legazpi sa ikinasang gun buy-bust operation.

Kinilala ang suspek na si alyas “Tope”, 41 anyos at residente ng nasabing barangay.

Read More:  17-year-old girl dies in drowning in Cebu as father raises foul-play concerns

Ayon sa report, hapon nang ikasa ng mga kapulisan ang nasabing operasyon sa lugar, kung saan pinagbentahan ng suspek ang isang poseur buyer ng hindi lisensyadong baril.

Nang magkaabutan umano ng pera ay dito na inaresto ang suspek at narekober sa kanya ang isang Caliber 40 “Glock 22” pistol.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Hinanapan din ito ng mga dokumento subalit walang maipakita sa mga otoridad dahilan upang matuluyang maaresto ito.

Sa ngayon ay mananatili muna sa Legazpi CPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.