Volcanic eathquake, muling naitala sa bulkang Mayon kahapon

LEGAZPI CITY – Muling nakapagtala ang bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay ng isang volcanic earthquake kahapon, Oktubre 24, 2022, matapos ang 24 oras na pagmo-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, nagkaroon din ng mahinaang banaag ang bulkan na naaninag lamang gamit ang telescope.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Dagdag pa nito, nagkaroon din ng 260 toneladang sulfur dioxide flux; katamtamang pagsingaw na may 200 metrong taas na napadpad sa gawing kanluran-hilagang kanluran, at naobserbahan din ang bahagyang pamamaga sa bukana ng bulkan.

Samantala, walang naitalang pagyanig ngayong araw batay naman sa pinakahuling anunsiyo ng PHIVOLCS tungkol sa bulkan.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Nananatiling nasa alert level 2 ang status ng nasabing bulkan at inaabisuhan pa rin na iwasan ang pagpunta malapit sa permanent danger zone nito, maging ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit dito ay ipinagbabawal din.